Alfonso LGU, Sumailalim sa MBAI National Validation ng Manila BAY Awards

ALFONSO — Pormal na sumailalim ang bayan ng Alfonso sa National Validation ng Manila Bay Awards and Incentives, na unang beses ito mangyayari sa kasaysayan ng munisipyo.

Ayon kay Mayor Randy Salamat, kinikilala sa proseso ang mahalagang papel ng bayan ng Alfonso bilang isang upland municipality sa pangangalaga ng mga ilog at daluyan ng tubig na konektado sa Manila Bay watershed.

Binigyang-diin na ang tamang pamamahala ng basura sa bayan ay hindi lamang para sa Alfonso kundi para rin sa mga lowland communities na naaapektuhan ng agos ng tubig at polusyon patungo sa Manila Bay.

Nagpaabot ng pasasalamat ang LGU sa MBAI National Inter-Agency Committee, DILG Regional at Provincial Offices, at MENRO sa pangunguna ni Ms. Floridel Salazar, gayundin sa mga kawani ng pamahalaan.

“Anuman po ang maging resulta, ang pag-abot sa National Validation ay tagumpay na para sa ating bayan,” pahayag ni Mayor Randy Salamat.

Ang Manila BAYani Awards and Incentives (MBAI) National Validation ay ang proseso kung saan sinusuri at tinitiyak ng National Inter-Agency Committee (NIAC) ang mga nanalong local government units (LGUs) mula sa rehiyon.

#CaviteConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading