CAVITE CITY, NAGDIWANG NG 455TH CITYHOOD ANNIVERSARY: “MAS MALAYO PA ANG ATING MARARATING” – Mayor Chua

CAVITE CITY, Philippines — Masiglang ipinagdiwang ang 455th Cavite City Day kasabay ng paggunita sa mahahalagang yugto ng kasaysayan ng lungsod, sa pangunguna ni Mayor Denver Chua, noong Setyembre 07, 2026.

Sa pagdiriwang, binigyang-pugay ang mga kawani ng pamahalaang lungsod na patuloy na nagsisilbi sa publiko—mula sa paglilinis ng mga kalsada, pagbabantay sa mga paaralan at pasilidad, hanggang sa pagpapatupad ng mga programang para sa mga mamamayan.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ang pag-unlad ng Cavite City ay bunga ng sama-samang serbisyo, malasakit, at pagkakaisa ng mga lingkod-bayan at mamamayan.

Nagpaabot din ng mensahe ng pasasalamat si Mayor Chua at ang pamahalaang lungsod sa lahat ng kawani na araw-araw na nagsasakripisyo para sa serbisyo publiko sa mga Caviteño.

“Cavite City, malayo na ang ating narating. Pero mas malayo pa ang ating mararating.” Pahayag ni Mayor Chua na ibinahagi sa kaniyang Facebook post.

Binigyang-diin ng Alkalde na mas Marami pang tagumpay ang inaasahan para sa lungsod ng Cavite sa mga susunod na taon.

Photo courtesy: Mayor Denver Chua/Facebook

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading