P1,100 Uniform Allowance, Naipamahagi na sa MGA MAG-AARAL sa Silang

SILANG, Cavite — Sa pangunguna ni Mayor Ted Carranza, naipamahagi na ang ₱1,100 uniform allowance para sa mga mag-aaral ng Tartaria Elementary School, Tartaria West Elementary School, Lumil Elementary School, Puting Kahoy Elementary School at Litlit Elementary School.

Kasabay nito, naipamahagi rin ang 10 kilo ng bigas para sa Senior Citizens, PWDs at Solo Parents sa Barangay Puting Kahoy, Lumil at Litlit.

Inihayag din na nakatakda nang ipamahagi ang 5 kilo ng bigas para sa bawat bahay sa bayan. Hintayin ang opisyal na anunsyo para sa schedule ng pamamahagi.

Nakiisa rin sa aktibidad sina BM Aidel Belamide, Konsehal Carlo Madlansacay, Konsehal Ari Velazco, dating Konsehal Junjang Batingal at dating Konsehal Peping Desingaño.

#CaviteConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading