Batang Silangueño, Silver Medalist sa International Math Olympiad sa Thailand
SILANG, Cavite — Nag-uwi ng karangalan para sa bayan ng Silang ang isang grade 5 student na si Nikolai Jinn Y. Burgos, ng Silver Award sa ASIAROPE Olympiad – Mathematics International Round na ginanap sa Bangkok, Thailand noong Setyembre 4–8, 2026.
Si Burgos ay mag-aaral ng Father Luigi Caburlotto School, kung saan ay nakipagtagisan siya sa mga kapwa kalahok mula sa iba’t ibang bansa sa Asya at ipinamalas ang kanyang husay sa Mathematics, na nagresulta sa pagkapanalo ng Silver Award.
Ayon sa mga opisyal, ang tagumpay na ito ay nagbibigay karangalan hindi lamang sa kanyang paaralan kundi sa buong komunidad ng Silang.
Itinuturing din itong inspirasyon sa iba pang kabataang Silangueño na paghusayin pa ang kanilang talento at patunay na kayang makipagsabayan ng mga lokal na mag-aaral sa international stage.
Photo courtesy: Jane Ybañez Burgos/Facebook
#CaviteConnect

