Megawide, Magtatayo ng P3-B Precast House Facility sa Cavite Para sa 4PH Program
Mag-iinvest ng ₱3 bilyon ang Megawide Construction Corp. para sa pagtatayo ng bagong precast facility sa Cavite na magpapalawak ng kapasidad nito sa housing production.
Ayon kay Chairman at CEO Edgar Saavedra, layunin ng proyekto na mapabilis ang konstruksyon ng mga pabahay sa ilalim ng government housing program na Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) Program.
Inaasahang makadaragdag ang bagong pasilidad ng 15,000 housing units kada taon, na magiging bahagi ng kabuuang 25,000 units annual output kasama ang kasalukuyang planta sa Taytay, Rizal.
Target simulan ang operasyon ng Cavite facility sa ikalawang quarter ng 2027.
#CaviteConnect
Photo Credits: MEGAWORLD

