EL NIÑO, MAS LUMALAKAS; POSIBLENG MAGDULOT NG MATING EPEKTO SA KLIMA SA 2027 – UN
Nagbabala ang United Nations sa patuloy na lumalakas na El Niño na maaaring maging isa sa pinakamalalakas na naitala sa kasaysayan.
Ayon sa mga siyentipiko, inaasahang magpapatuloy ito hanggang Pebrero 2027, habang ang temperatura ng Karagatang Pasipiko ay nasa mahigit 2°C na mas mainit kaysa normal.
Nagbabala rin ang mga eksperto na maaaring maging pinakamainit na taon sa kasaysayan ang 2027 kung magpapatuloy ang pag-init.
Tinatayang aabot sa 50 milyong katao ang maaaring maapektuhan ng gutom, tagtuyot, at pagbaha sa iba’t ibang rehiyon gaya ng Africa, South America, at Southeast Asia.
Kabilang din sa posibleng epekto ang wildfire at pagkaantala ng operasyon sa ilang pandaigdigang ruta gaya ng Panama Canal.
Nanawagan ang UN sa mga bansa na maghanda at palakasin ang disaster response system upang mapagaan ang epekto ng naturang climate change.
#PilipinasConnect

