ARMADONG SUSPEK, ARESTADO SA MUSIC STORE SA IMUS

IMUS, Cavite —– Arestado ang isang 39-anyos na lalaki matapos umanong pasukin ang isang music store sa Ayala Vermosa, Barangay Pasong Buaya 1, Imus City, Cavite noong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Glenn,” residente ng Malabon City, na nahuli ng mga awtoridad habang nasa loob pa ng OD Aerophone.

Ayon sa ulat, nakita sa CCTV ang pagpasok ng suspek matapos umanong masira ang accordion door ng tindahan. Nakumpiska rin umano sa kanyang bag ang isang .38 caliber na baril at tatlong bala.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay ng insidente.

Source: Cavite News Network

#CaviteConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading