Bawat Barangay Makikinabang Program: P200K Pondo kada Barangay sa Cavite, Ipinamahagi ng Pamahalaan sa Pangunguna ni Sec. Recto

CAVITE, Philippines — Makikinabang ang lahat ng 829 barangay sa lalawigan ng Cavite matapos ipamahagi ang tig-₱200,000 na karagdagang pondo sa ilalim ng programang Bawat Bayan Makikinabang.

Pinangunahan ni Executive Secretary Ralph Recto ang distribusyon ng pondo sa Carmona, Cavite nitong Setyembre 11, mula sa Socio-Civic Projects Fund ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Recto, layunin ng programa na matiyak na direktang maramdaman ng bawat komunidad ang mga proyekto ng pamahalaan at walang barangay ang maiiwan sa kaunlaran.

Samantala, Hindi lamang sa Cavite ito itutugon Nng gobyerno, bagkus maging sa iba pang bahagi ng CALABARZON.

Source: PIA CALABARZON

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading