Mga Residente sa isang Subdivision sa Naic, Naalarma sa Diumanong Bitbit na Baril ng isang Menor-de-Edad

NAIC, Cavite — Nagdulot ng pangamba sa mga residente ang isang menor-de-edad na lalaki matapos umanong makita na may bitbit na baril habang sakay ng motorsiklo sa loob ng isang subdivision sa Barangay Timalan Balsahan bandang alas-5:00 ng hapon nitong Setyembre 10.

Ayon sa ulat, agad itong ipinagbigay-alam ng isang concerned resident na si alyas “Rey” sa HOA President Arnel Alutaya, na agad namang nag-report sa Naic Police Station.

Sa paunang imbestigasyon, natukoy ang suspek na si alyas “Loy,” 17-anyos, na umano’y may dalang “Glock” na baril. Gayunman, wala umanong narekober na armas mula sa kanya kaya agad ding itinurn-over ang suspek sa barangay.

Napag-alaman na posibleng may kaugnayan ang insidente sa alitan ng grupo ng mga kabataan sa lugar, kung saan sinasabing hinahanap ng suspek ang nakaalitang si alyas “Jek-Jek,” kapwa menor-de-edad.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.

#CaviteConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading