Kaso ng Leptospirosis sa Maynila, Pumalo na sa 1,094; Bagong Influenza-Like Illness (COVID-19), Naitala rin – MHD
Umabot na sa 1,094 ang kaso ng leptospirosis sa Maynila matapos madagdagan ng 43 bagong kaso noong Miyerkoles, ayon sa Manila Health Department (MHD).
Batay sa datos, nananatili sa 39 ang bilang ng mga nasawi mula Enero 1 hanggang Setyembre 9. Iniuugnay ang pagtaas ng kaso sa patuloy na pagbaha sa ilang bahagi ng lungsod dulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan.
Pinayuhan ng MHD ang publiko na iwasang lumusong sa baha at agad magpakonsulta kapag nakaranas ng sintomas matapos ma-expose sa maruming tubig.
Samantala, pumalo na sa 2,782 ang dengue cases matapos madagdagan ng 28 bagong kaso, habang nananatili sa 10 ang nasawi. Naitala rin ang 51 bagong influenza-like illness, isang kaso ng COVID-19, at anim na severe acute respiratory infection (SARI).
#PilipinasConnect
Photo credit to the rightful owner

