GABI NA, UMUULAN PA, PERO NAGHAHANAP-BUHAY PA: MAYOR MATRO, PINAKYAW ANG PANINDA NG TAHO VENDOR
TANZA, Cavite — Isang magtataho Vendor ang lubos na nagpasalamat matapos pakyawin ni Mayor Archangelo “SM” Matro ang kanyang natitirang paninda sa kabila ng gabi at umuulan pa.
Sa video na ibinahagi ng alkalde, nadatnan niya ang vendor na patuloy pa ring nagtitinda upang makapag-uwi ng kita para sa kanyang pamilya. Dahil dito, pinakyaw ni Mayor Matro ang natitirang taho na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱460 at dinagdagan pa ito bilang tulong.
Sa mensahe ng alkalde, binigyang-diin ang sipag ng vendor na patuloy na nagsusumikap kahit gabi na.
“Gabi na nagtitinda pa si kuya, kaya pinakyaw na natin ang natitira niyang paninda para makauwi na siya sa kanyang pamilya,” aniya.
Ang naturang simpleng pagtulong ni Mayor Matro ay umani ng papuri mula sa netizens, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng malasakit sa kapwa na walang pinipiling oras at panahon.
#CaviteConnect

