WEST CAVITE, MAY BAGONG DIREKTANG BIYAHE PATUNGONG MOA-PITX

Good news! May bagong opsyon na ngayon ang mga commuter mula Tanza, Naic, Maragondon at Ternate na biyaheng patungong SM Mall of Asia (MOA) at PITX.

Pinatatakbo ng Dawn Alexandros Transport, Inc. ang bagong ruta na dadaan sa A. Soriano Highway sa Tanza bago tumuloy sa Macapagal Boulevard at DoubleDragon patungong MOA-PITX, gayundin sa pabalik na biyahe.

Dagdag itong alternatibo para sa mga manggagawa, estudyante at iba pang regular na pasaherong bumibiyahe patungong Pasay at Parañaque.

Samantala, umaasa ang ilang commuter na madagdagan pa ang direktang ruta mula West Cavite patungong Metro Manila, kabilang ang mga dating rutang biyaheng Lawton at Avenida.

Sa patuloy na pagdami ng mga pasahero mula West Cavite, malaking tulong umano ang karagdagang ruta upang magkaroon sila ng mas maraming pagpipilian sa pampublikong transportasyon.

#CaviteConnect

Photo credits: City & Provincial Bus Spotter

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading