TANZA, Cavite — Personal na kinamusta at tinulungan ni Mayor SM Matro ang isang nagtitinda ng mga halamang prutas mula Batangas na nasita dahil sa ilegal na pagpaparada sa Tanza. Bilang pakikiisa, bumili ang alkalde ng mga panindang halaman gaya ng avocado at atis, na kabilang sa mga paborito niyang prutas, upang makatulong sa pang-araw-araw na kita ng mangangalakal. Ayon kay Mayor Matro, ang serbisyong may malasakit ng pamahalaang bayan ay hindi lamang para sa mga residente ng Tanza kundi maging sa ibang bayan na nagsisikap na kumita nang marangal at naaayon sa batas. Umaasa rin ang alkalde na sa pamamagitan ng simpleng pagtulong, mabibigyan ng pagkakataon ang mangangalakal na makapagsimula muli at kumita para sa kanyang pamilya. #CaviteConnect