MAYOR MATRO, NANAWAGAN SA MGA RESIDENTE NG BRGY. SANJA MAYOR NA PANATILIHING MALINIS ANG MGA KANAL SA BAWAT KOMUNIDAD
TANZA, Cavite — Hinikayat ni Tanza Mayor SM Matro ang mga residente ng Barangay Sanja Mayor na maging responsable sa pagtatapon ng basura upang mapanatiling malinis ang mga kanal at maiwasan ang pagbabara ng daluyan ng tubig.
Kasabay ng patuloy na paglilinis ng mga kanal ng pamahalaang bayan, hiniling ng alkalde ang pakikiisa ng mga residente sa tamang pagtatapon ng basura at pangangalaga sa kapaligiran.
Nagpasalamat din si Mayor Matro sa mga kawani ng munisipyo, kabilang sina Engr. Raymart Iruguin, at mga barangay personnel, sa kanilang pagtutulungan sa isinagawang paglilinis.
Ayon kay Matro, mahalaga ang sama-samang pagkilos ng pamahalaan at komunidad upang mapanatiling malinis at maayos ang mga daluyan ng tubig sa barangay.
#CaviteConnect

