Mayor Matro, Personal na Naghatid ng Tulong Pinansyal sa Lola at Apo na naninirahan sa Pabagsak na Bahay sa Tanza
TANZA, Cavite —- Agad na nagpaabot ng tulong si Tanza Mayor SM Matro sa isang 68-anyos na senior citizen at apo nito na naninirahan sa isang barung-barong na bahay na nasa panganib na gumuho sa Barangay Tres Cruces, Tanza, Cavite.
Sa pagbisita ng alkalde sa mag-lola, nakita niya ang mapanganib na kalagayan ng kanilang tahanan, na halos hindi na madaanan nang hindi yumuyuko dahil sa mababang bahagi ng mga bubong na tila pabagsak na.
Nagbigay si Matro ng tulong pinansyal bilang pandagdag sa pagbili ng mga materyales na gagamitin sa pagkukumpuni ng kanilang bahay.
Dahil sa pangambang tuluyang gumuho ang kanilang tirahan anumang oras, hinikayat din ng alkalde ang mag-lola na lumikas muna at humanap ng mas ligtas na matutuluyan.
Patuloy ang pag-iikot ni Matro sa mga barangay ng Tanza upang personal na alamin ang kalagayan ng mga residente at matugunan ang pangangailangan ng mga kababayang nangangailangan ng agarang tulong.
#CaviteConnect

