Villaroman Golf Academy, Magtatayo ng 2.7-Hektaryang Golf at Pickleball Facility sa Maple Grove sa GenTri
GENERAL TRIAS, Cavite — Magtatayo ang Villaroman Golf Academy ng 2.7-hectare sports facility sa Maple Grove township ng Megaworld.
Tampok dito ang 50-bay driving range, golf simulators, practice areas at tatlong tournament-grade pickleball courts, kasama ang players’ lounge, gym, sports retail area, restaurant, sports bar at café.

Layunin ng proyekto na pagsilbihan ang mga baguhan, golf enthusiasts at competitive players sa pamamagitan ng iba’t ibang training programs.
Pinamumunuan ang academy ni Carito Villaroman, na naging coach ng mga Filipino golfers na sina Yuka Saso at Bianca Pagdanganan.
Source: Villaroman Golf Academy
#CaviteConnect

