MAYOR MATRO, SINUSUYOD ANUMANG DAANAN PARA MAIPAABOT ANG TULONG SA MGA TANZEÑO
TANZA, Cavite —- Walang hadlang na daan para kay Tanza Mayor SM Matro sa kanyang layuning maihatid ang tulong at serbisyo sa mga mamamayan.
Pinatunayan ito ng alkalde nang suungin niya ang makipot at matarik na hagdan, maputik na daanan, at liblib na lugar hanggang sa bahagi ng karagatan upang personal na maabot ang ilang Tanzeño na higit na nangangailangan.
Ayon kay Mayor Matro, “Walang hindi kayang daanan, maihatid lang ang tulong sa ating mga kababayan.”
Ipinapakita umano nito ang kanyang hangarin na mapalapit ang serbisyo ng pamahalaang lungsod sa bawat mamamayan, anuman ang lugar na kanilang kinaroroonan.
#CaviteConnect

