Dalawang Menor De Edad, nasa Kustodiya Matapos ang Viral na Insidente sa Parklane Elementary School
GENERAL TRIAS CITY, Cavite — Nasa kustodiya ng VAWC desk ang dalawang menor de edad na sangkot sa viral na insidente sa Parklane Elementary School, ayon sa Barangay San Francisco.
Patuloy ang koordinasyon ng barangay sa mga kinauukulan upang matiyak ang proteksiyon at kaligtasan ng mga batang sangkot.
Nanawagan din ang barangay sa mga magulang na gabayan ang kanilang mga anak at makiisa sa pagpigil sa bullying at karahasan sa paaralan. #

