BM Jasmin Maligaya-Bautista, Nagpasalamat sa Pagkakataong Makadalo sa Isinagawang Good Governance Summit
Nagpasalamat si Board Member Jasmin Maligaya Bautista sa pagkakataong makadalo sa isinagawang Good Governance Summit noong Setyembre 24, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng mabuting pamamahala at tapat na paglilingkod sa publiko.
Ayon kay BM Bautista, isang pribilehiyo ang makasama ang iba pang mga lingkod-bayan sa makabuluhang pagtitipon na naglalayong palakasin ang integridad, malasakit at pananagutan sa serbisyo publiko.
Binigyang-halaga rin sa summit ang mga aral at pamana ni dating DILG Secretary Jesse Robredo, partikular ang people-centered at accountable governance.
Sinabi ni Bautista na ang mga natutunan mula sa pagtitipon ay magsisilbing inspirasyon sa patuloy na paglilingkod sa mga Caviteño, partikular sa mga nasasakupan ng kanyang distrito. #
Photo Courtesy: BM Jasmin Maligaya-Bautista
#CaviteConnect

