Marcos, Ipinagkaloob ang Absolute Pardon kay Mary Jane Veloso

MANILA, Philippines — Ipinagkaloob ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang absolute pardon kay Mary Jane Veloso, na nagbigay-daan sa kanyang paglaya matapos ang mahigit 16 na taong pagkakakulong.

Nilagdaan ang pardon noong Setyembre 24 at inanunsyo ngayong araw, Biyernes, Setyembre 25, 2026, batay sa makataong konsiderasyon.

Naaresto si Veloso sa Indonesia noong 2010 matapos makuhanan ng 2.6 kilo ng heroin sa kanyang bagahe. Iginiit niyang hindi niya alam na may dalang ilegal na droga at nabiktima siya ng panlilinlang ng mga recruiter.

Inilipat siya sa Pilipinas noong Disyembre 2024 upang ipagpatuloy ang pagsisilbi ng sentensiya sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City.

Ang kanyang paglaya ay muling nagbigay-pansin sa mga panganib na kinakaharap ng mga OFW, lalo na sa human trafficking at panlilinlang sa paghahanap ng trabaho sa ibang bansa. #

Photo courtesy: National Union of People’s Lawyers

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading