GMA LGU NAGPATUPAD NG CLEARING OPERATION; MGA PASAWAY NA VENDOR, BINALAAN

GMA, Cavite — Nagbabala ang Pamahalaang Bayan ng General Mariano Alvarez (GMA) sa mga vendor at negosyanteng patuloy na naglalagay ng paninda at kagamitan sa mga pampublikong daanan sa Metro San Jose Public Market.

Ayon sa GMA LGU, hindi biglaan ang clearing operation dahil ilang beses nang pinaalalahanan ang mga vendor na alisin ang mga obstruction.

Sinimulan ang operasyon noong Agosto 27 at sinundan ng mga pag-iikot at pagbibigay-abiso upang mabigyan ng pagkakataong kusang alisin ang mga sagabal. Nakabatay ang operasyon sa Municipal Ordinance No. 2019-182, o Anti-Nuisances and Obstructions Abatement Ordinance of 2019.

Iginiit ni Mayor Ed Custodio na magpapatuloy ang clearing operation laban sa mga patuloy na lalabag sa ordinansa upang mapanatiling malinis, maayos at ligtas ang mga pampublikong daanan.

Source: Cavite News Network

#CaviteConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading