CAVITE AT PALAWAN, POSIBLENG PAGSAMAHIN SA BAGONG REGIONAL SET UP – DILG
CALABARZON AT MIMAROPA, BABAGUHIN?
Malaking adjustment sa bawat regional group at mamamayan nito kung sakaling ipatupad ang bagong regional set up…
Iminumungkahi ang muling pagsasaayos ng regional structure ng bansa na maaaring makaapekto sa CALABARZON at MIMAROPA, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).
Sa panukala, hahatiin ang mga lalawigan sa iba’t ibang command centers upang mapabilis ang koordinasyon at paghahatid ng serbisyo ng pamahalaan. Kabilang dito ang posibleng pagsasama ng Cavite at Palawan, habang magkakagrupo naman ang Batangas at Mindoro; Laguna at Rizal; at Quezon, Marinduque at Romblon na maaari pang tawaging “QUEMARO.”
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, layunin ng hakbang na gawing mas praktikal at episyente ang pamamahala, lalo na sa accessibility at agarang pagtugon sa pangangailangan ng bawat lalawigan.
Gayunman, nananatiling panukala pa lamang ito at sasailalim pa sa masusing pag-aaral bago maisakatuparan.
#CaviteConnect

