GOOD NEWS! VAT SA SYSTEM LOSS CHARGE SA KURYENTE, INALIS NA NG BIR

Magkakaroon ng bawas sa bayarin sa kuryente matapos opisyal na alisin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang 12% Value-Added Tax (VAT) sa tinatawag na system loss charge sa electric bills.

Ayon sa bagong patakaran, itinuturing na hindi na dapat patawan ng buwis ang naturang singil, kaya inaasahang bababa ang kabuuang halaga na binabayaran ng mga konsyumer sa kanilang buwanang kuryente.

Inatasan ng BIR ang mga power distributor tulad ng Meralco, electric cooperatives, at iba pang kumpanya ng kuryente na ihiwalay sa billing statement ang system loss charge upang malinaw na makita ng mga konsyumer ang epekto ng bagong polisiya.

Ipatutupad ang pagbabago kasabay ng guidelines mula sa Energy Regulatory Commission (ERC).

#CaviteConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading