UNITY PARK AT CIVIC CENTER, BAGONG PASYALAN AT TAMBAYAN SA GENERAL TRIAS, BINUKSAN
GENERAL TRIAS CITY, Cavite — May bagong pasyalan at community space sa lungsod ng General Trias, matapos pormal na buksan ang General Trias City Unity Park and Civic Center.
Matatagpuan sa junction ng Kaunlaran Street at F. Manalo Road, ang bagong pasilidad ay nagsisilbing modernong civic space para sa mga pagtitipon, aktibidad ng pamahalaan, at libangan ng mga residente.
Kabilang dito ang Civic Center para sa mga event at conference, at Family and Kids Park na may open spaces para sa pahinga at bonding ng mga pamilya.
Dito rin isinagawa ang State of the City Address (SOCA) 2026.
Inaasahang magsisilbi itong panibagong community hub para sa mga taga-General Trias.
#CaviteConnect

