Rice Distribution at P1,100 Uniform Allowance, Ipinamahagi sa 4 na BARANGAY at 5 Paaralan sa Silang
SILANG, Cavite — Patuloy ang pamamahagi ng tulong ng lokal na pamahalaan ng Silang, Cavite, sa pamumuno ni Mayor Gen Ted Carranza, matapos ipamahagi ang 10 kilo ng bigas sa mga senior citizens, PWDs, at solo parents sa ilang barangay.
Kabilang sa mga benepisyaryo ang Barangay Litlit, Batas, Kalubkob, at Lucsuhin bilang bahagi ng serbisyong panlipunan ng LGU.
Kasabay nito, ipinamahagi rin ang ₱1,100 uniform allowance para sa mga mag-aaral mula sa iba’t ibang elementarya sa bayan upang makatulong sa kanilang pag-aaral, kabilang dito ang; Lucsuhin Elementary School, Kalubkob Elementary School, Litlit Elementary School, Batas Elementary School, at Ricardo Lejos Cortez Elementary School.
Ayon kay Mayor Gen Ted Carranza, layunin ng programa na maabot ang lahat ng Silangueño sa tuloy-tuloy na social services ng pamahalaan.
Magpapatuloy ang distribusyon sa iba pang barangay at paaralan, kabilang ang planong 5 kilo ng bigas kada kabahayan sa buong bayan ng Silang.
#CaviteConnect

