MIYEMBRO UMANO NG “TERMITE GANG,” TATLO PANG KASAMA ARESTADO SA TRECE MARTIRES

TRECE MARTIRES CITY, Cavite — Arestado ang isang lalaking umano’y miyembro ng “Termite Gang” at tatlo nitong kasama sa warrant operation sa Barangay Conchu.

Kinilala ang mga suspek sa alyas na Benjie, Chris, Julz at Wen. Target ng operasyon si Benjie na may warrant sa kasong robbery.

Narekober umano sa grupo ang apat na baril, 17 bala, dalawang granada at mga kagamitang ginagamit sa pagnanakaw, kabilang ang hydraulic jack, crowbar at sledgehammer.

Ayon sa pulisya, iniuugnay si Benjie sa “Termite-Robbery Group” na sangkot umano sa serye ng panloloob sa CALABARZON at mga karatig-rehiyon.

Source: Philstar

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading