LIBRENG SAKAY SA TANZA, TULOY-TULOY; MGA RESIDENTE NAGPASALAMAT KAY MAYOR SM MATRO AT TANZA LGU

TANZA, Cavite — Patuloy na naghahatid ng libreng sakay ang bayan ng Tanza sa pangunguna ni Mayor SM Matro at Pamahalaang Bayan ng Tanza para sa mga residente mula Barangay Capipisa patungong Barangay Paradahan 1.

Sampung e-jeepney ang nagsasagawa ng libreng biyahe Lunes hanggang Biyernes, mula 5:00 AM hanggang 8:00 PM.

Nagpahayag naman ng pasasalamat ang bawat commuters sa bayan ng Tanza dahil malaking tulong ito para maibsan ang gastusin sa pamasahe at ang mataas na presyo ng gasulina sa nagpapatuloy na krisis sa middle east.

Nagpasalamat din si Mayor Matro sa mga taxpayers na patuloy na sumusuporta sa mga programang nakalaan para sa mga mamamayan ng Tanza.

#CaviteConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading