WEE NAM KEE: SINGAPOREAN FLAVORS, MAS PINALAPIT SA SM CITY BACOOR
BACOOR, CAVITE — Mula Singapore hanggang Cavite, inilalapit ng Wee Nam Kee ang tradisyonal na lasa ng Hainanese chicken rice sa mga Filipino diner sa pamamagitan ng branch nito sa SM City Bacoor.
Itinatag noong 1989, nakilala ang brand sa malambot na manok, mabangong kanin at mga sawsawang gaya ng ginger, chili at soy sauce—isang simpleng kombinasyong naging bahagi ng pagkakakilanlan nito.



Bukod sa signature chicken rice, nag-aalok din ang Wee Nam Kee ng iba pang Singaporean specialties. Kabilang dito ang Rice Plate Meals sa halagang ₱258, gaya ng Hainanese Chicken at Roasted Chicken.
Ayon kay Jeus Jerrico So, Operations Manager, layunin ng brand na mapanatili ang kalidad at karakter ng kanilang pagkain habang ibinabahagi ang Singaporean dining experience sa mga Filipino.
#CaviteConnect

