MAYOR CARRANZA, NAKIBAHAGI SA PAGPUPUGAY SA MGA RETIRADONG GURO SA ARRTS DAY SA SILANG

SILANG, CAVITE — Nakibahagi si Silang MayorTed Carranza sa pagdiriwang ng ARRTS Day na ginanap sa Patio Medina, kung saan binigyang-pugay ang mga retirado at nagbitiw nang mga guro mula sa bayan, kamakailan.

Nagpasalamat si Carranza sa mga guro para sa kanilang mga taon ng serbisyo, sakripisyo at dedikasyon sa mga estudyante, na aniya ay naging bahagi ng paghubog sa maraming buhay at pangarap.

Kasama rin sa pagdiriwang sina Congressman Atty. Roy M. Loyola, Councilors Ara Loyola, Carlo Madlangsacay at Ari Velazco, at SK Federation President Neil Buso.

Naging pagkakataon ang ARRTS Day upang kilalanin at pasalamatan ang ambag ng mga guro sa edukasyon at komunidad ng Silang.

#CaviteConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading