WATAWAT SA IMUS, NAKA HALF-MAST BILANG PAGPUPUGAY KAY PM CESAR VIRATA
IMUS CITY, CAVITE — Naka kalahating-taas o half-mast ang pambansang watawat sa ilang lugar sa Imus ngayong araw ng Lunes, Oktubre 5 bilang pakikiramay sa pagpanaw ni dating Prime Minister Cesar Enrique A. Virata.
Isinagawa ang seremonya sa Imus City Government Center, Dambana ng Pambansang Watawat at Gen. Licerio C. Topacio Park–Imus City Plaza.
Mananatiling half-mast ang watawat hanggang sa araw ng libing ni Virata bilang pagkilala sa kanyang mahabang serbisyo at ambag sa pamahalaan at ekonomiya ng bansa.
#CaviteConnect

