KAUNA-UNAHANG MUNICIPAL CREMATORIUM SA NOVELETA, ITATAYO; SERBISYO, LIBRE PARA SA MGA RESIDENTE
NOVELETA, CAVITE — Pormal nang sinimulan ang pagtatayo ng kauna-unahang Municipal Crematorium sa bayan ng Noveleta sa pamamagitan ng groundbreaking ceremony na pinangunahan ni Mayor Davey Reyes Chua kasama ang Angel’s Flight.
Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng proyekto na mailapit sa mga residente ang serbisyo ng cremation at gawing mas madali ang pag-access dito.
Inaasahang magiging libre ang serbisyo para sa mga nangangailangang pamilya na nais mabigyan ng maayos na cremation ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
#CaviteConnect

