DA, DALI, PLANONG MAGTULUNGAN PARA SA DIREKTANG PAMILIHAN NG MGA MAGSASAKA

Pinag-aaralan ng Department of Agriculture (DA) at DALI Everyday Grocery ang pakikipagtulungan upang magkaroon ng direktang pamilihan ang mga magsasaka at mapataas ang kanilang kita.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, maaaring magsilbing merkado ang mahigit 1,400 sangay ng DALI para sa mga lokal na produktong agrikultural. Naghahanap din ang kumpanya ng mga kooperatiba at magsasakang magsusuplay ng mga gulay mula sa kabundukan at kapatagan.

Plano rin ng DALI na pag-aralan ang pagtatayo ng mga bodega malapit sa Benguet at Pangasinan upang mapadali ang pag-iimbak at paghahatid ng mga ani sa mga tindahan nito.

Ayon sa DA, makatutulong ang posibleng kasunduan upang magkaroon ng mas matatag na bentahan ang mga magsasaka at mabawasan ang pag-aaksaya ng mga gulay dahil sa kawalan ng merkado.

Samantala, target ng DALI na magkaroon ng 1,600 sangay sa buong bansa bago matapos ang 2026 at palawakin ito sa 16,000 pagsapit ng 2035.

#PilipinasConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading