MAYOR MATRO, SINALUBONG NG BAKA HABANG TINUTUNTON ANG MGA LIBLIB NA KABAHAYAN SA MASUKAL NA DAANAN
TANZA, CAVITE — Hindi napigilan ng hindi inaasahang pagsalubong ng isang baka si Tanza Mayor SM Matro sa patuloy na paghahatid nito ng tulong sa mga residenteng nangangailangan sa iba’t ibang barangay ng bayan ng Tanza.
Kasama ni Mayor Matro sa pagbisita si Barangay Biga Captain Edwin Ferrer at mga kagawad nito upang matukoy at maabutan ng tulong ang mga kabarangay na nangangailangan ng suporta mula sa lokal na pamahalaan.
Binigyang-diin ng alkalde ang kahalagahan ng pagtutulungan ng pamahalaan at mga opisyal ng barangay upang matiyak na nakararating ang mga serbisyo sa mga mamamayan.
Kinilala rin ng alkalde ang ambag ng mga taxpayer sa pagpapatupad ng mga programang naglalayong mapabuti ang kapakanan ng mga Tanzeño.
#CaviteConnect

