CARDINAL TAGLE, KAUNA-UNAHANG ASYANO NA DEAN NG COLLEGE OF CARDINALS

VATICAN CITY — Inaprubahan ni Pope Leo XIV ang pagkakahalal kay Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle bilang dean ng College of Cardinals, bilang kauna-unahang Asyano na hahawak sa posisyon.

Kinumpirma ng Holy See noong Oktubre 9 ang pag-upo ni Tagle, na papalit kay Italian Cardinal Giovanni Battista Re, 92, na nagsilbi mula Enero 2020.

Kabilang sa tungkulin ng dean ang pangunguna sa mga paghahanda para sa conclave o pagpili ng susunod na papa.

Dating arsobispo ng Maynila si Tagle at kasalukuyang pro-prefect ng Dicastery for Evangelization ng Vatican. Noong 2020, naging kauna-unahang Pilipinong cardinal-bishop siya.

#PilipinasConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading