LUMULOBONG BASURA CRISIS SA NAIC, IPINANAWAGAN NI MAYOR MAGBITANG SA PAMBANSANG PAMAHALAAN

NAIC, Cavite — Nanawagan ng agarang tulong sa pambansang pamahalaan si Naic Mayor Rommel Magbitang kaugnay sa lumalalang problema sa basura sa bayan.

Ayon sa inilabas na video post ni Mayor Magbitang, matagal nang hamon ang isyu sa basura ngunit lalo itong lumala dahil sa mabilis na paglobo ng populasyon. Sa datos ng Philippine Statistics Office mula sa 160,000 noong 2022 ay tinatayang aabot na sa 300,000 ngayong 2026 ang populasyon. Bunsod ito ng pagbubukas ng pabahay ng gobyerno at pribadong subdivision na tinanggap ng bayan ng Naic.

Isa sa pangunahing suliranin ang tambak na basura sa dumpsite sa Barangay Sabang na matagal ng nagdudulot ng problema sa kalusugan at paligid sa mga residenteng malapit sa dumpsite.

Dahil dito, hiniling ni Mayor Magbitang kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paggabay, konkretong aksyon at solusyon upang matugunan ang problema.

Binigyang-diin naman ng lokal na pamahalaan na mahalaga rin ang disiplina ng responsableng mamamayan na mapangalagaan ang ating komunidad sa tamang pagtatapon ng basura bilang bahagi ng sistema at solusyon.

#CaviteConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading