Ilegal na Cellular Network, Nasabat ng NBI sa General Trias
GENERAL TRIAS, Cavite — Nasabat ng National Bureau of Investigation ang isang iligal na cellular network at naaresto ang isang dayuhan sa operasyon ng Special Action Unit.
Ayon kay NBI Director Atty. Melvin Matibag, ginagamit ang IMSI catcher upang gayahin ang signal ng cell tower, makakuha ng sensitibong impormasyon, at magpadala ng scam texts na nag-uudyok sa mga biktima na pumasok sa pekeng banking site.
Natunton ang kagamitan sa isang sasakyan na may improvised antenna at iba pang devices.
Nahaharap sa kasong cybercrime at financial fraud ang suspek, habang pinaalalahanan ang publiko na mag-ingat sa kahina-hinalang mensahe.
Source: Manila Standard
#CaviteConnect

