ADB, IPINAGPALIBAN SA 2030 ANG PAUTANG PARA SA MRT-4
Itinakda sa Marso 29, 2030 ng Asian Development Bank (ADB) ang target na pag-apruba sa $500-milyong pautang o ₱31.37 bilyon para sa Metro Rail Transit Line 4 (MRT-4), apat na taon na mas huli sa orihinal na iskedyul.
Magmumula ang $300 milyon sa ADB at $200 milyon sa Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB). Unang bahagi pa lamang ito ng pondong kailangan para sa proyekto.
Dahil sa pagkaantala, hindi tiyak kung masusunod ang planong simulan ang konstruksyon sa 2027 at operasyon sa huling bahagi ng 2031.
Sasaklaw ang MRT-4 sa 13 kilometro na may 10 estasyon, na layong mabawasan ang trapiko sa Ortigas Avenue at mapabilis ang biyahe mula Taytay, Rizal, patungong Ortigas Center.
#CaviteConnect

