3-PALAPAG NA GUSALI NA MAY 9 NA SILID-ARALAN, ITATAYO SA MARAGONDON ELEMENTARY SCHOOL

MARAGONDON, CAVITE — Isinagawa noong Biyernes, Oktubre 9, ang groundbreaking ceremony para sa pagtatayo ng tatlong-palapag na gusaling pampaaralan na may siyam na silid-aralan sa Maragondon Elementary School.

Dumalo sa seremonya sina Board Member Jasmin Maligaya-Bautista, school principal Dr. Maribel Rochelle Arbaid, Hon. Lorenzo Miguel Arca, mga konsehal ng bayan, mga department head, Public Schools District Supervisor (PSDS) ng Maragondon District 1, Engineer Minyon Cecil M. Mangoba, naroon din ang presensya ng mga guro at mga mag-aaral at ang pakikiisa ni Mayor Lawrence “Umbe” Arca.

Layunin ng proyekto na madagdagan ang mga silid-aralan at mapabuti ang pasilidad ng paaralan upang masuportahan ang pangangailangan ng mga mag-aaral at gurosa naturang paaral.

Aniya, mas dumarami na rin ang mga kabataang mag-aaral sa Maragondon at kinakailangan ang pagtutok sa pagkatuto ng bawat mag-aaral upang mas mabigyan sila ng mas maayos at komportableng pagkatuto sa kanilang pag-aaral at mapakinabangan ang bagong itatayong school building sa darating na mga taon.

#CaviteConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading