MEGAWIDE, MAGLALAAN NG ₱1.23 BILYON SA MGA PROYEKTONG PABAHAY SA CAVITE

Ililipat ng Megawide Construction Corp. ang natitirang ₱1.23 bilyon mula sa 2022 bond issuance nito para pondohan ang mga proyektong pabahay sa ilalim ng 4PH program.

Kabilang sa mga bagong kontrata ng kumpanya ang ₱12.8 bilyong halaga ng 8,300 housing units sa North Caloocan at Imus, Cavite. Target simulan ang konstruksyon bago matapos ang 2026 at tapusin pagsapit ng Disyembre 2028.

Layunin ng Megawide na makapagtayo ng 100,000 bahay sa loob ng lima hanggang pitong taon at mapataas sa ₱60 bilyon ang kabuuang halaga ng mga kontrata nito bago matapos ang taon.

#CaviteConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading