BREAKING: DAGDAG-SAHOD SA CALABARZON
CALABARZON — Ipatutupad na ang P45 kada araw na umento sa sahod sa CALABARZON simula Oct. 26, anunsyo ng Regional Wages and Productivity Board 4A at National Wages and Productivity Commission.
Katumbas ito ng humigit-kumulang P1,170 na dagdag sa buwanang sahod ng mga manggagawa sa rehiyon.
Tinatayang mahigit 1.5 milyong minimum wage earners ang makikinabang sa dagdag-sahod.

