MAYOR TED CARRANZA, NAMAHAGI NG 5 KILONG BIGAS SA MGA SILANGUEÑO
SILANG, Cavite — Personal na namahagi si Mayor Edward “Ted” Carranza ng tig-5 kilong bigas sa mga residente ng Silang sa ilalim ng programang “Bigas Para sa Krisis.”
Layunin ng programa na makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga pamilyang Silangueño, lalo na sa gitna ng patuloy na pagtaas ng mga gastusin.
Personal ding nakasalamuha ng alkalde ang mga benepisyaryo sa isinagawang pamamahagi bilang bahagi ng pagsisikap ng lokal na pamahalaan na makapaghatid ng tulong sa komunidad.
#CaviteConnect

