1 NASAWI, 3 SUGATAN SA BANGGAAN SA GENERAL TRIAS; DRIVER, POSITIBO SA ALKOHOL
GENERAL TRIAS CITY, Cavite — Isang 50-anyos na lalaki mula Naic ang nasawi habang tatlo ang sugatan matapos magbanggaan ang Toyota Corolla Altis at tricycle sa Governor Ferrer Drive, Barangay Pasong Kawayan 2, madaling-araw ng Oktubre 21.
Ayon sa pulisya, lumihis umano pakaliwa ang Toyota at pumasok sa linya ng tricycle. Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktimang si alyas Ignacio dahil sa matinding pinsala sa ulo.
Nagpositibo naman sa breathalyzer test ang 67-anyos na driver ng Toyota, na may naitalang 0.129% blood alcohol concentration (BAC). Inaresto siya at posibleng maharap sa mga kasong kaugnay ng pagkamatay, pagkasugat ng mga biktima at pagkasira ng ari-arian, pati paglabag sa Anti-Drunk and Drugged Driving Act.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya.
Source: Cavite News Network
#CaviteConnecte

