38 PINOY KARATE DELEGATES, SASABAK SA INTERNATIONAL CHAMPIONSHIPS SA JAPAN
GENERAL TRIAS, Cavite — Kabuuang 38 kinatawan ng Pilipinas ang lalahok sa 2026 International Friendship Karate Championships (IFKC) at 1st World Weight Category Championships (WWCC) sa Osaka, Japan, sa Disyembre 12 at 13, 2026.
Pinangunahan ni Shihan Victor Canon, IKO Nakamura Branch Chief sa Pilipinas, ang delegasyon matapos makatanggap ng opisyal na imbitasyon mula sa International Karate Organization Kyokushinkaikan Nakamura.
Kabilang sa mga kalahok ang mga atletang sasabak sa Kata at Kumite, gayundin ang mga kinatawang lalahok sa seminar, judging at technical conference.
Gaganapin ang mga kompetisyon sa JCOM Suehiro Gymnasium sa Izumisano, Osaka, kung saan inaasahang maipapakita ng mga Pinoy karateka ang kanilang husay at disiplina sa pandaigdigang entablado.
#CaviteConnect

