BM JASMIN MALIGAYA-BAUTISTA, DUMALO SA GROUNDBREAKING NG BAGONG ITATAYO NA SCHOOL BUILDING SA NAIC

NAIC, CAVITE — Nakiisa si Board Member Jasmin Maligaya-Bautista sa groundbreaking ceremony ng bagong itatayo na three-storey, nine-classroom building ng Munting Mapino Elementary School sa Barangay Munti Mapino, Naic, noong Oktubre 26, 2026.

Dinaluhan din ang seremonya nina Naic Vice Mayor Jacinta Remulla, school principal Maribel Villanueva, Punong Barangay Ferdinand Iridao, mga opisyal ng lokal na pamahalaan at mga guro ng paaralan.

Pinondohan ng Provincial Government of Cavite, sa pangunguna ni Governor Abeng Remulla, ang proyekto na naglalayong dagdagan ang pasilidad ng paaralan at mapabuti ang kapaligiran sa pag-aaral ng mga estudyante.

Ayon kay BM Maligaya-Bautista, mahalagang pamumuhunan sa edukasyon at kinabukasan ng mga kabataang Naicqueño ang pagtatayo ng mga bagong silid-aralan.

#CaviteConnect

Leave a Reply