PHILIPPINE ARMY, NAGTALAGA NG TROPA SA CAVITE AT LAGUNA PARA SA SEGURIDAD NG UNDAS
Nag-deploy ng mga tauhan ang 59th Infantry Battalion ng Philippine Army sa ilang bayan sa Cavite at Laguna upang tumulong sa pagpapanatili ng seguridad ngayong Undas.
Ayon sa batalyon, nagbigay ng seguridad ang mga sundalo sa mga sementeryo na dinarayo ng mga pamilya para sa paggunita ng All Saints’ Day at All Souls’ Day.
Nagsagawa rin ng security checks at threat detection operations ang mga K9 team upang matukoy ang posibleng banta at mapanatili ang kaligtasan ng publiko.
#CaviteConnect

