MAYOR MATRO, NAGHATID NG PINANSYAL NA TULONG SA GURO NA MAY BREAST CANCER SA TANZA

TANZA,CAVITE — Personal na nagtungo si Mayor SM Matro sa Barangay Bucal upang mag-abot ng pinansyal na tulong sa isang gurong may breast cancer na patuloy na nagpapagaling habang ipinagpapatuloy ang kaniyang pagtuturo.

Ayon sa pamahalaang bayan, bahagi ito ng programa ni Mayor Matro na maghatid ng tulong sa mga residenteng nangangailangan, kabilang ang mga gurong dumaranas ng karamdaman.

Nagpasalamat din ang alkalde kay Kapitana Ito Santos at sa mga kagawad ng barangay sa pakikipagtulungan upang maihatid ang tulong sa benepisyaryo.

#CaviteConnect

Leave a Reply