Mga Benepisyaryo at Residente sa Maragondon, Nabigyan ng Relief Goods
Nakatanggap ng ayudang-bigas ang mga benepisyaryo at residente sa isinagawang relief distribution sa Patungan at Pinagsanjan A noong Agosto 14, 2026.
Aabot sa 361 benepisyaryo mula sa Patungan at 250 naman sa Pinagsanjan A ang tumanggap ng tulong-bigas at iba pang ayuda bilang bahagi ng patuloy na pagtugon sa pangangailangan ng mga apektadong pamilya.
Naroroon ang presensya ni Board Member Jasmin Maligaya-Bautista, nakibahagi rin sa aktibidad si Mayor Lawrence “Umbe” Arca kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Maragondon at iba pang katuwang sa pamamahagi.
Nagpasalamat ang mga organizer sa mainit na pagtanggap ng mga residente at hinikayat ang patuloy na pagtutulungan para sa kapakanan ng bawat pamilya sa komunidad.
Photo credits: BM Jasmine Maligaya-Bautista

