BM JASMIN MALIGAYA-BAUTISTA, IBINAHAGI ANG KANYANG TAGUMPAY SA INTERNATIONAL LEADERSHIP PROGRAM BILANG KINATAWAN NG PILIPINAS
Ibinahagi ni BM Jasmin Maligya-Bautista ang isa sa kanyang itinuturing na “small wins” matapos mapiling kinatawan ng Pilipinas at ng National Movement of Young Legislators sa Special Executive Education Program for Young Legislators.
Isinagawa ang programa sa pakikipagtulungan ng National University of Singapore sa pamamagitan ng Lee Kuan Yew School of Public Policy, kung saan pinalalim ang kaalaman ng mga batang lider sa pamamahala at serbisyo publiko.
Ayon kay Bautista, hindi lamang ito isang personal na tagumpay kundi isang paalala ng responsibilidad bilang lingkod-bayan.
“Hindi ko ito tinitingnan bilang achievement lamang, kundi bilang paalala na hindi tayo dapat tumigil sa pag-aaral, pakikinig, at pag-unawa upang mas maging mahusay sa ating tungkulin,” aniya.
Dagdag pa niya, “Ang tunay na ‘small win’ ay hindi lang ang makarating sa ganitong pagkakataon, kundi ang maiuwi ang mga natutunan at magamit ang mga ito para mas maging makabuluhan ang ating paglilingkod.”
Hinikayat din niya ang publiko na patuloy na matuto, at maglingkod nang may puso para sa lahat.

