HOUSE-TO-HOUSE NA AYUDA SA TANZA, TULOY-TULOY WALANG PINIPILING PANAHON

Patuloy ang pag-iikot ng Pamahalaang Bayan ng Tanza upang direktang maihatid ang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng nagdaang kalamidad.

Sa pangunguna ni Mayor Archangelo “SM” Matro, isinasagawa ang house-to-house distribution ng ayuda upang masigurong naaabot ang bawat nangangailangan. Isa na nga rito ay ang pag-iikot sa Barangay Calibuyo kung saan kinamusta ni Mayor Matro ang mga nasunugan at nasalanta ng nagdaang kalamidad. Ayon sa alkalde, bagama’t nakakalungkot ang sinapit ng ilang pamilya, makakaasa ang mga ito na may pamahalaang aalalay sa kanilang pagbangon.

Patuloy naman ang LGU sa pamamahagi ng tulong hanggang maabot ang lahat ng apektadong residente.

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading