SILG REMULLA, NAGPAHAGING: BABALIK SA CAVITE BILANG GOBERNADOR SA 2028
“GOV POGI BABALIK SA CAVITE!”
Ito ang naging pahaging ni SILG Jonvic Remulla sa nakaraang oath-taking sa Dasmariñas City, Cavite.
Naging usap-usapan ang pabirong pahayag ni SILG Remulla na “babalik” siya sa Cavite matapos itong ihayag sa oath-taking ceremony ng bagong elect-congresswoman Jenny Barzaga at Mayor Third Barzaga sa lungsod ng Dasmariñas noong Martes, Setyembre 1.
Aniya, “I am always at home,” dahil sa mainit na pagtanggap ng mga Caviteño sa kanya. Ibang-iba umano ang pagtanggap ng mga Caviteño sa kanya kaysa sa Maynila.
Pinuri rin niya ang kaniyang pamangkin na si Gov. Abeng Remulla sa pagiging masipag nito sabay biro na “Abeng, huwag kang matuwa masyado, baka matuwa ka dyan sa pwesto mo, babalik Ako!”
Agad namang nagdulot ito ng tawanan sa mga bisitang naroroon.
Nagbigay rin siya ng payo kay Mayor Third Barzaga na maging matatag at maglingkod nang may malasakit para sa lahat at huwag patulan ang mga kritiko.
Wala pa namang opisyal na pahayag si SILG Remulla ukol sa kanyang mga naging pahayag.

